Mahigit 2,000 motorista, lumabag sa dalawang araw na expanded number coding scheme dry run ayon sa MMDA

Muling pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na patuloy pa rin ang pagbibigay nila ng abiso para sa dry run ng bagong oras ng number coding scheme.

Ayon sa MMDA, ngayong umaga lamang ay umabot sa 2,939 ang sinitang motorista sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Bukas, asahang manghuhuli na ang MMDA sa pamamagitan ng on the ground apprehension at ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa mga lalabag.


Sa ilalim ng expanded number coding scheme, bawal bumiyahe ang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila, mula alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes maliban tuwing holiday, batay sa huling numero ng license plates.

Ang mga plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes at 9 at 0 ay tuwing Biyernes.

Facebook Comments