Mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

32

2,037 ang naitala ngayon ng Department of Health (DOH) na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, umaabot na ngayon sa 31,708 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19.


Umakyat na rin sa 578,381 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng virus sa buong bansa.

534,351 naman ang kabuuang gumaling matapos na makapagtala ng 86 na bagong recoveries.

4 naman ang nadagdag sa bilang ng mga namatay kaya’t umaabot na ngayon ang total deaths sa 12, 322.

Facebook Comments