Mahigit 2,000 na Pinoy na kabilang sa mga naapektuhan ng COVID pandemic sa Dubai, napauwi ng pamahalaan

Umaabot na sa 2,233 na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Dubai at Northern Emirates sa United Arab Emirates (UAE) ang napauwi ng gobyerno matapos maapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ang naturang OFWs ay pawang nawalan ng trabaho sa UAE dahil sa pandemic kaya nagpasya silang dumulog sa Philippine Consulate General sa Dubai para makauwi ng Pilipinas.

Ilan din sa mga umuwing Pinoy ay nag-avail ng on-going immigration amnesty ng UAE government para sa mga dayuhang overstaying sa nasabing bansa.


Pinakahuling dumating sa bansa ang 221 na mga Pilipino kabilang na ang ilang bata.

Muli namang nag-abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa OFWs na nais nang umuwi ng Pilipinas na makipag-ugnayan sa konsulada o embahada ng Pilipinas.

Facebook Comments