World – Nasa 2,000 ang na-rescue sa nangyaring pagbaha dulot ng hurricane Harvey sa Texas.
Ayon kay Governor Greg Abbott, mayroong 250 kalsada ang kasalukuyang nakasara dahil sa pagbaha.
Idineklara na rin nito ang federal disaster sa 19 counties.
Ilan sa mga lugar na may matinding pinsala ay ang Houston, Victoria at Corpus Christi.
Nakatakda naman bumisita si President Trump sa Texas para makita ang pinsala ng hurricane Harvey.
Facebook Comments