Mahigit 2,000 natikitan at na-tow ng MMDA sa illegal parking ngayong buwan ng Mayo

Umabot na sa 2,000 ang natikitan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mga sasakyan na illegal na nakaparada sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Kasunod ito sa nagpapatuloy na clearing operations ng MMDA para alisin ang mga nakakasagabal sa kalsada partikular sa mga bangketa na daanan ng tao at illegal vendors.

Base sa datos ng New Task Force Special Operations group para sa buwan ng Mayo, umabot sa 2,180 na ang natikitan at na-tow na mga sasakyan.


Layon ng MMDA na maisakatuparan ang kampanya ng pamahalaan kontra illegal parking at colorum.

Ayon sa MMDA ang paglabag sa illegal parking at mga traffic violations ay may kaakibat na penalty at suspension ng drivers license.

Payo ng MMDA sa publiko na sumunod sa batas trapiko upang maiwasan ang anumang abala at multa.

Facebook Comments