Mahigit 2,000 OFWs, dadating sa bansa ngayong araw

43

Aabot sa mahigit dalawang libong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), unang dumating ang 350 Pinoy repatriates mula Qatar sakay ng Philippine Airlines flight PR685 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Sunod na dumating ang PAL flight PR655 sakay naman ang 350 Pinoy repatriates mula Qatar at lumapag sa NAIA Terminal 2.

400 OFWs naman mula Dubai, United Arab Emirates (UAE) ang dumating sa NAIA 3 sakay ng Cebu Pacific flight 5J19.

Bukod dito, 350 OFWs repatriates mula Riyadh, Saudi Arabia ang dumating sa NAIA 1 sakay ng Saudia Airlines flight SV862.

300 repatriates mula naman sa Dubai sakay ng Emirates Airlines flight EK332 na nakatakdang dumating ng alas-4:15 ngayong hapon sa NAIA Terminal 3.

313 repatriates mula naman sa Singapore sakay ng Scoot flight TR1390 na dadating  mamayang alas-5:00 ng hapon sa NAIA Terminal 1




Habang 300 Pinoy repatriates mula Amsterdam via KLM Royal Dutch Airlines flight KL875 ang dadating mamayang alas 6:00 ng gabi sa NAIA Terminal 3.

Facebook Comments