Mahigit 2,000 panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala ng DOH

42

2,053 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

Bunga nito, umaabot na ang kabuuang kaso sa 375,180 kung saan ang aktibong kaso dito ay 38,955 o 10.4%.


540 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 329,111 o 87.7%.

61 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na sa hanay ng COVID patients sa bansa ay 7,114 o 1.90%

Samantala, ang mild cases naman ay 83.0%, ang asymptomatic ay 11.1% at ang critical cases ay bahagyang bumaba sa 3.8% mula sa 4.0% kahapon.

Habang ang severe cases ay nananatili sa 2.2%.




Facebook Comments