Ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) ang nasa mahigit dalawang libong PNP personnel sa mga lugar na apektado ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief PBGen. Jean Fajardo, tumutulong ngayon ang mga pulis sa search and rescue operations at relief operations partikular sa Region 5 o Bicol region, iba pang lugar sa Luzon, at sa Region 9 o Zamboanga Peninsula.
Mayroon din aniyang mga naka-deploy sa mga evacuation centers upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga bakwit.
Samantala, sinabi ni Fajardo na mayroon pang halos 10,000 pulis ang reserve standby force kung kakailanganin.
Binuo na rin ng PNP Incident Command System katuwang ang Office of Civil Defense, Armed Forces of the Philipines, Philippine Coast Guard, at Department of Social Welfare and Development.
Ani Fajardo, nakatutok si PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa mga apektadong lugar at nagbigay na ng direktiba sa mga Regional Directors sa mga apektadong pulis na agad na mabigyan ng tulong.