Sapat na bilang ng mga pulis ang ipapakalat ng Philippine National Police (PNP) para sa kick-off ng Bagong Pilipinas campaign bukas, January 28, 2024.
Ayon kay Philippine National Police – Public Information Officer (PNP-PIO) chief Police Colonel Jean Fajardo, kabuuang 2,093 mga pulis ang kanilang idedeploy.
Maliban pa ito sa mga force multipliers at mayroon ding stand-by force.
Ani Fajardo, wala namang natatanggap na seryosong banta ang PNP hinggil sa nasabing aktibidad.
Nakahanda rin aniya ang Pambansang Pulisya na bigyang seguridad ang mga lalahok sa aktibidad bukas sa Quirino Grandstand.
Inaasahang lalahukan ang Bagong Pilipinas campaign ng 200,000 indibidwal kung saan pangungunahan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ilang matataas ng opisyal na pamahalaan.