World – Inilipat na sa mga temporary shelters ang 2,700 refugees na iligal na naninirahan sa mga kalsada sa Paris.
Nabatid kasing daan-daang refugees ang nagpapalitan sa pagtulog sa ilalim ng mga tulay at iba pang national roads sa Paris.
Ayon kay Paris City Hall Official Dominique Versini, karamihan sa mga ito ay galing sa Middle East at Eastern Africa.
Aniya, delikado kasi para sa mga ito pati na rin sa mga residente ang pamamalagi ng mga refugees sa lansangan.
Naging mapayapa naman ang pag-e-evacuate sa mga ito.
Facebook Comments