Abot sa 2,000 senior citizens mula sa District 5 ng Quezon City ang nakatanggap na ng kanilang social pension.
Ang Social Pension Program for the Indigent Senior Citizens ay alinsunod sa Expanded Senior Citizens’ Act of 2010.
Layon nitong tulungan ang mahihirap na senior citizens sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan gaya ng pagkain at gamot sa pamamagitan ng tulong pinansyal.
Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay makatatanggap ng P1,500 na tulong pinansyal sa kada tatlong buwan mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Kabilang sa mga senior citizen na nakatanggap ng social pension ay mula sa Barangay Capri, Nagkaisang Nayon, Novaliches Proper, San Agustin, Sta. Monica, Gulod, at San Bartolome
Nagsimulang mamahagi ng social pension ang DSWD sa lungsod noong July 18.
Para sa karagdagang impormasyon sa listahan ng mga benepisyaryo, petsa at lugar kung saan makukuha ang social pension, ito ay ipapaskil sa inyong mga barangay o ‘di kaya ay bisitahin ang website ng QC Local Government Unit.