Cauayan City, Isabela- Nakatanggap ang nasa mahigit 2,000 TUPAD worker ng tulong pinansyal mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Provincial Government ng Isabela.
Sabay-sabay na tumanggap ang 784 beneficiaries mula sa Bayan ng Aurora at 334 mula naman sa Bayan ng Burgos sa lalawigan.
Habang tumanggap din ang kabuuang 468 sa Bayan ng Gamu at 502 mula naman sa Bayan ng Quirino.
Ang “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers” (TUPAD) ay bahagi ng emergency employment program ng DOLE upang mapagaan ang kanilang loob sa kabila ng naranasang epekto ng nagdaang kalamidad sa lalawigan.
Samantala, tumanggap din ng tig-isang sakong bigas na tumitimbang ng 25 kilos ang lahat ng benepisyaryo mula sa ahensya at provincial government.
Tiniyak naman ni Governor Rodito Albano III na mabibigyan ng ayuda ang iba pang grupo ng lipunan gaya ng tricycle drivers, trabahador sa parlor at barbershops at maging ambulant vendor.