Mahigit 20,000 bagong COVID recoveries, naitala ngayong araw

39

20,171 ang nadagdag ngayong araw sa bilang ng mga gumaling sa bansa sa COVID-19.

18,937 naman ang bagong kaso at 146 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 2,385,616 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bahagya namang bumaba ang aktibong kaso sa 176,850 habang ang total recoveries na ay 2,171,832.

Ang kabuuang binawian ng buhay ay 36,934.

Facebook Comments