Mahigit 20,000 drug surrenders sumailalim sa skills training at livelihood program

Manila, Philippines – Umaabot na sa 20,550 drug surrenders ang nabigyan ng libreng skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa buong bansa.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling Mamondiong, ang mga ito ay nabigyan ng pagsasanay sa iba’t-ibang kurso sa loob ng dalawang taon simula noong 2016 hanggang June 2018.

Ang mga drug surrenders ay kabilang sa mga beneficiaries sa programang Skills Training for Special Clients ng TESDA kasama ang indigenous peoples, calamity-affected communities, inmates and dependents, person with disability, family enterprises at rebel returnees.


Kabilang sa mga kursong kinuha ng mga nagbalik loob na mga adik ay driving, cookery , automotive servicing, bread and pastry production, heavy equipment operation, carpentry, masonry, food and beverage services, wellness, steel fabrication, Shielded Metal Arc Welding at marami pang iba.

Kung matatandaan inihayag ng TESDA chief na pagkakalooban ng ahensya ng skills training at livelihood assistance ang mga ‘Tokhang’ surrenders upang mabigyan sila ng pagkakataon na magbago, magkaroon ng desenteng pamumuhay, matatag na trabaho at oportunidad na maging empleyado.

Ito ay bilang pagsuporta narin ng ahensya sa programa ni Pangulong Rodrigo ‘Digong” Duterte kontra droga.

Facebook Comments