Inihayag ng Marikina City government na umabot sa 5,024 na pamilya o katumbas ng 21,796 na indibidwal ang inilikas sa Lungsod ng Marikina dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Karding.
Base ito sa monitoring ng Marikina Rescue 161 dahil na rin sa dami ng mga inilikas, mahigit 50 Evacuation Camps ang ginamit sa lungsod kasama na ang mga pasilidad na pinagamit ng pribadong sektor tulad ng Our Lady of Abandoned Church.
Ayon sa Marikina LGU, binaha ang mga nakatira sa mabababang lugar at marami rin ang nagpre-emptive evacuation dahil sa mistula umanong Bagyong Ondoy na nangyari noong Setyembre 26, 2009, eksaktong 13 taon na ang nakaraan.
Sa ngayon, bagaman unti-unti nang gumaganda ang panahon, pinapayuhan pa rin ng mga residenteng lumikas na mag-monitor sa sitwasyon at huwag munang bumalik sa kanilang mga tahanan dahil sa mga posibilidad nang pag-ulan.
Sa ngayon, nananatili sa 2nd alarm ang Marikina River sa 16 meters.