Mahigit 20,000 indibidwal, nananatili pa rin sa iba’t ibang evacuation center bunsod ng sama ng panahon

Pansamantala pa ring nanunuluyan sa 163 evacuation centers mula sa Region 10, CARAGA at MIMAROPA ang nasa mahigit 20,000 nating mga kababayan.

Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 6,635 pamilya o katumbas ng 23,536 mga indibidwal ang nanatili pa rin sa mga evacuation center.

Samantala, nasa mahigit 10,000 pamilya o 41,000 mga indibidwal ang mas pinili na lamang makituloy muna sa kanilang mga kamag-anak.


Nabatid na ang mga apektadong residente ay nasira ang mga tahanan o di naman ay nananatiling baha sa kani-kanilang mga lugar.

Base pa sa datos ng NDRRMC, nananatili sa 52 ang bilang ng mga nasawi, 16 ang nasaktan habang 18 pa ang nawawala bunsod ng naranasang shear line noong Pasko.

Facebook Comments