Mahigit 20,000 indibidwal, nananatili pa rin sa ilang evacuation centers dahil sa sama ng panahon

Umaabot sa 117,676 pamilya ang apektado ng Southwest Monsoon at Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao.

Sa pinakahuling report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang mga apektadong pamilya na katumbas ng 572,997 indibidwal mula sa 429 barangay sa Mimaropa, Region 7, 9, 10, 11, 12, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa bilang na ito, 5,395 pamilya o 22,253 indibidwal ang kasalukuyang nasa mga evacuation center, habang 65,739 pamliya o 327,001 katao ang pinagkakalooban ng tulong sa labas ng evacuation center.


Nananatili naman sa pito ang bilang ng mga iniulat na nasawi, kung saan apat ang kumpirmadong nasawi sa Region 9, at isa sa Region 10.

Habang patuloy pang bineberipika ang isang iniulat na nasawi sa Region 11 at isa sa BARMM.

Facebook Comments