Mahigit 20,000 katao, nabigyan na ng booster shot sa drive-thru vaccination sa Maynila

Photo Courtesy: Manila PIO

Kinumpirma ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO na mahigit 20,000 indibidwal na ang nabigyan ng COVID-19 booster shot sa drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand.

Ang naturang bilang ay katumbas ng 7,882 na mga sasakyan na pumila sa drive-thru vaccination area.

Kabilang dito ang non-Manila residents na nagtungo sa Quirino Grandstand.


Ang 24/7 drive-thru vaccination area, na sinimulan noong January 13 ay bukas sa publiko kahit na hindi residente ng Maynila.

Facebook Comments