Aabot sa mahigit 20,000 lumabag sa health protocols ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa unang araw ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Metro Manila at iba pang kalapit na lugar.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, kabuuan itong 20,511 violators kung saan 5,781 ang bumalewala sa oras ng curfew at 14,775 hindi sumunod sa minimum health standards tulad ng hindi pagsusuot ng tama ng face mask, hindi pagsusuot ng face shields, at hindi pagsunod sa social distancing.
Sa mga lungsod na may ipinatupad ng curfew hours, nangunguna ang Metro Manila sa may pinakamaraming nahuli na mayroong 4,394, sinundan ng Cavite na nasa ilalim ng MECQ na nasa 540.
Nakapagtala naman ang Laguna ng 471 lumabag sa curfew at ang Rizal na mayroong 370 lumabag.