Sanib pwersa ang sundalo at pulis para magbantay sa gagawing plebesito sa January 21 at feb 6 sa Mindanao para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law
Isinagawa ang Security Forces Send-off Ceremony and multi- faith prayer rally sa Camp BGen Gonzalo Siongco Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Ayon kay PNP ARMM Regional Director Police Chief Supt Graciano Mijares, Aabot sa 20,104 na mga sundalo at pulis ang idedeploy sa buong ARMM.
Sinabi naman ni AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal na layunin ng mas mahigpit na seguridad ay upang matiyak na magiging payapa ang gaganaping plebesito.
Aniya tinututukan nila ngayon ang galaw ng mga peace spoilers partikular ang mga isis inspred terrorist group.
Nananawagan rin sa Madrigal sa publiko lalo na sa mga taga Mindanao na maging alerto at nanawagang makikiisa sa gagawing plebesito.
Tiniyak naman ni PNP Chief Police Director Gen. Oscar Albayalde na handa ang kanilang idedeploy na tauhan sa anumang untoward incidents.
Direktiba ni Albayalde sa kanyang mga tauhan panatilihin ang pagiging displinado at propesyunal para sa matagumpay na plebesito.
Nagpasalamat naman agad si COMELEC Commissioner Al Parreno sa mga inilatag na seguridad ng PNP at AFP.