Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 22,000 mga pulis kasunod ng inaasahang pagtama sa bansa ng Bagyong Betty.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police BGen. Red Maranan, mahigpit ang atas ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., na tiyaking magiging mabilis ang aksyon ng mga pulis.
Kaugnay nito, naka-preposition na ang kanilang mga kagamitan para sa search and rescue operations.
Paliwanag pa ni Maranan, puspusan ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa anumang pangangailangan.
Samantala, payo ng liderato ng PNP sa mga pulis na reresponde sa bagyo na ingatan din ang kanilang sarili para magampanang maigi ang kanilang tungkulin.
Facebook Comments