Mahigit 20,000 teachers at non-teaching personnel, posibleng mawalan ng trabaho dahil sa pataw na 25% income tax sa mga private school

Nagbabala si House Ways and Means Chairperson, Albay Representative Joey Salceda na posibleng umabot sa mahigit 20,000 mga guro at non-teaching personnel ang mawalan ng trabaho kapag itinuloy ang 25% na income tax rate ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga pribadong paaralan.

Ayon kay Salceda, kung hindi gagawa ng lehislayon para baguhin ang Revenue Regulation no. 5-2021 ng BIR, posibleng madagdagan ng 21,661 ang trabaho na mawawala.

“The income tax increase, if made effective, represent about 5.72% of compensation income , which could force the already dwindled private education labor force to shed another 21,661 jobs due to the tax rate adjustment alone,” ani Salceda.


Ang dagdag na buwis ay katumbas ng 5.72% compensation income ng mga empleyado sa pribadong paaralan.

Sa kabilang banda, kung ma-i-a-apply naman ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act income tax rate na 1% sa mga private schools hanggang 2023 ay makakatipid ang mga paaralan ng katumbas ng 3.43% na compensation expenses.

Ibig sabihin, ang matitipid na ito ay makakatulong naman para mag-rehire ng 12,996 na guro para sa susunod na school year 2021-2022.

“On the other hand, applying the CREATE rate until 2023 would allow these schools to save an equivalent of 3.43% of compensation expenses, which could help them rehire at least 12,996 teachers at the start of the next school year,” dagdag pa ng mambabatas.

Ngayong araw ay magkakaroon naman ng briefing ang Ways and Means Committee kasama ang Department of Finance (DOF) at BIR para talakayin at linawin ang income taxation ng mga proprietary educational institutions salig na rin sa ilalim ng CREATE Law.

Facebook Comments