Mahigit 200,000 na Marikeño, handang magpabakuna laban sa COVID-19

Inihayag ng pamunuan ng Marikina City Government na tinatayang nasa 250, 000 na mamamayan ng Lungsod ng Marikina ang handang sumalang sa COVID-19 vaccination sa sandaling dumating na ang bakunang binili ng Marikina Local Government Unit (LGU).

Ipinakita ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang master list ng mga nagpalista na naglalaman ng profile ng mga residente na ang lahat na nasa master list ay isinasailalim na pagsusuri ng mga doktor ng lungsod upang malaman kung sila ay maaaring tuturukan ng bakuna o kung nagtataglay ng allergies o kung may sakit at manganganib ang buhay sa COVID-19 vaccine.

Paliwanag ng alkalde, sa sandali aniya na matukoy ng mga doktor na kaya ng isang residente na magpaturok ng bakuna ay saka lamang isasalang sa vaccination.


Isa rin umanong pinaghahandan ng Marikina LGU ay ang bawat monitoring system, pagkabakuna ay dapat aniyang maobserbahan ang binabakunahan, at ang tamang period ng observation ay isang oras, at ang iba naman 15 minuto pero isang oras ang kanilang standard bago pauwiin ang mga binabakunahan.

Dagdag din ng alkalde na mayroon na ring storage ang parating na COVID-19 vaccine ng Marikina kabilang dito ang biothermal packaging system.

Giit pa ni Mayor Teodoro, kapag inilagay ang bakuna ng temperature na nasa 2 degrees o hanggang 8 degrees lang, tapos pwede tumagal ang bakuna roon kahit pa maiwan umano dun sa vaccination area at kahit wala sa refrigerator ng 5 araw.

Facebook Comments