Mahigit 200,000 OFWs na naapektuhan COVID-19, naihatid na sa kani-kanilang probinsya ayon sa DOTr

Umaabot na sa 206,389 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naihatid sa kanilang mga probinsya sa ilalim ng Hatid-Tulong Program simula April 27 hanggang September 17, 2020.

Batay sa datos ng Department of Transportation (DOTr), mula sa naturang bilang nasa 64,242 ay naihatid sa mga transportasyong panlupa.

96,803 ay sa pamamagitan ng air transport at 45,344 naman ang ibiniyahe via sea travel.


Ang Hatid-Tulong Program ay joint initiative ng Office of the President, National Task Force (NTF) COVID-19, Department of Transportation (DOTr), Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Philippine Coast Guard (PCG), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Tourism (DOT), Philippine Ports Authority (PPA), Office for Transportation Security (OTS), Manila International Airport Authority (MIAA), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Facebook Comments