Mahigit 200K doses ng COVID Vaccine, Naiturok sa 3-Days Bayanihan, Bakunahan sa Region 2

Umabot sa kabuuang 272,164 doses ng bakuna kontra COVID-19 mula sa target na 547,176 ang naiturok sa 3-days Bayanihan, Bakunahan National Vaccination Day sa buong Region 2 batay sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2.

Sa update ng DOH 2, marami ang nabakunahan sa lalawigan ng Isabela na umakyat sa 121,083, sinundan ng Cagayan na mayroong 106,706.

Sa Nueva Vizcaya, nabakunahan ang kabuuang 26,667 habang 10,772 naman sa Quirino Province.


Sa isang pahayag, sinabi ni DOH Regional Director Dr. Rio Magpantay na ipagpapatuloy pa rin ang pagbabakuna kahit hindi naabot ang target para sa rehiyon dos.

Facebook Comments