Mahigit 2,200 pamilya sa Luzon, naapektuhan ng Bagyong Florita; mahigit P1-B halaga ng tulong, naibigay na sa mga rehiyong hinagupit ng bagyo, ayon sa DSWD

Umabot sa mahigit 2,200 pamilya sa Luzon ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Florita.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Marco Bautista, 2,213 pamilya o katumbas na 7,616 indibidwal sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR) ang itinuturing na “displaced” dahil sa nasabing bagyo.

Dagdag pa ni Bautista, na sa ngayon ay may mga umalis na sa mga evacuation centers at umuwi na sa kani-kanilang tahanan matapos ihayag na ligtas nang umuwi.


Kinumpirma rin ni Bautista na may mahigit isang bilyong pisong halaga ng tulong ang naipamahagi na ng DSWD at iba’t ibang LGU sa mga naapektuhan ng Bagyong Florita.

Facebook Comments