
Nagdeploy ang Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng nasa 1,720 na personnel para tumiyak ng seguridad sa 44th ASEAN Capital Markets Forum (ACMF) Chairs Meeting sa Boracay simula kahapon hanggang Marso 27.
Kung saan susuportahan ito ng nasa 528 na myembro Sub-Site Task Group on Emergency Preparedness and Response.
Layon ng nasabing deployment na matiyak ang kapayapaan,kaayusan at ligtas na environment para sa mga delegado at bisita.
Tiniyak naman ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na maeenjoy ng mga delegado at bisita ang pananatili nila sa Boracay, lalo na at nakahanda sa anumang sitwasyon ang pambansang pulisya.
Samantala, bukod sa mga delegado ay pagtutuunan din ang kapakanan ng mga personnel sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga essential medical supplies para sa mga nakaduty.










