MAHIGIT 22,000 ILEGAL CAMPAIGN MATERIALS, BINAKLAS NG COMELEC SA PANGASINAN

Umabot sa 22,353 piraso ng campaign materials ang pinagbabaklas sa isinagawang Grand Baklas Operation ng Commission on Elections (COMELEC) sa buong lalawigan ng Pangasinan, kahapon.

Ala sais pa lamang ng umaga, Umarangkada na ang kawani ng komisyon kasama ang ilang ahensya ng gobyerno upang isagawa ang pagbabaklas.

Sa datos ng COMELEC Pangasinan, kabilang sa mga binaklas ay 7,431 campaign materials sa mga Party-List, 5,246 para sa mga kandidato sa pagka-senador, at 9,676 para sa lokal na posisyon.

Layon ng operasyon na alisin ang mga campaign posters, tarpaulin, at iba pang materyales na lumabag sa tamang sukat, lokasyon, at mga panuntunan sa pangangampanya alinsunod sa Fair Elections Act.

Patuloy ang panawagan ng COMELEC sa mga kandidato at kanilang tagasuporta na sumunod sa mga regulasyon sa tamang pangangampanya upang matiyak ang patas at maayos na halalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments