Mahigit 22,000 na gumaling sa COVID-19 sa bansa, naitala ng DOH ngayong araw

Umakyat na sa 2,508,387 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas matapos madagdagan ng 22,529 ngayong araw.

Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala ng 11,010 COVID-19 new cases dahilan para pumalo na sa 2,654,450 ang kumpirmadong kaso sa bansa.

Nasa 106,558 naman ang aktibong kaso ng nasabing sakit o katumbas ng 4.0% kung saan 76.3 percent dito ang mild, 13.9 percent ang asymptomatic, 1.2 percent ang critical, 2.9 percent ang severe at 5.64 percent ang moderate.


Sumipa na sa 39,505 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 matapos madagdagan ng 273.

Facebook Comments