Mahigit 23 milyong piso, ibinigay na tulong ng King Salman Humanitarian Aid and Relief Centre sa Philippine Red Cross para sa Marawi City

Aabot sa 495,865 US Dollars o katumbas ng mahigit 23 milyong piso ang ipinagkaloob ng donasyon ng King Salman Humanitarian Aid and Relief Centre sa Philippine Red Cross (PRC) para sa pagpapaabot ng tulong sa most vulnerable families sa Marawi City.

Nilagdaan ang kasunduan nitong November 30, 2020 kung saan virtually na lumahok sina; PRC Chairman Sen. Richard Gordon, Saudi Ambassador to the Philippines Dr. Abdulah Al-Bussairy, Supervisor General of King Salman Humanitarian Aid and Relief Centre Dr. Abdullah Al Rabeeah, at iba pang opisyal mula sa kingdom of Saudi Arabia.

Ayon kay Dr. Al Rabeeah, nagsimula ang diplomatic ties ng Saudi Arabia at Pilipinas noong inoperahan niya ang Filipino conjoined twins na sina Princess Mae at Anne sa tulong ni PRC Chairman Gordon.


Dahil dito, sa nakalipas na dekada umabot na sa 40 proyekto na nagkakahalaga ng 45 million US Dollars o mahigit 2 bilyong piso ang nabigay niyang suporta sa Pilipinas.

Facebook Comments