Umakyat na sa 23,290 paaralan sa Visayas at Mindanao ang nagsuspinde ng klase sa lahat ng antas nito dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), 671 paaralan ang ginagamit bilang evacuation centers habang 10.7 milyong mag-aaral ang naapektuhan ng bagyo.
Hindi naman masabi kung kailan muling ibabalik ang pasok sa paaralan sa mga nasabing lugar.
Sa ngayon, patuloy ang pag-monitor ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) sa mga apektadong paaralan sa bansa, sa pakikipagtulungan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Operation Center.
Facebook Comments