Umabot na sa 230,357 na mga menor de edad ang nakabunahan na kontra COVID-19 batay sa National COVID-19 Vaccination Operations Center.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 0.10 porsyento lamang sa mga kabataang ito ang nakaranas ng adverse effect ng bakuna kabilang ang pananakit ng vaccination site, pananakit ng ulo at pagkahilo.
Mayroon din aniyang mga kabataan na nakaranas ng anxiety attacks.
Tiniyak naman ni Vergeire na agad at maayos na natugunan ang mga kabataang nakaranas ng side effects.
Una nang sinabi ng DOH na target ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang 80 percent o 10 million mula sa 12.7 million na kabataang edad 12 hanggang 17 sa buong bansa bago matapos ang December 2021.
Facebook Comments