Mahigit 2,400 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng 12.62 billion pesos – nasabat ng mga otoridad

Manila, Philippines – Aabot sa 2,446 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng 12.62 billion pesos na ang nasabat ng mga otoridad bunsod ng pinaigting na kampanya ng Duterte administration laban sa droga.

Ito ang inilahad ni PDEA Chief. Dir. Isidro Lapeña kaugnay sa isang taon sa pwesto ni Pangulong Duterte.

Batay sa report ni Lapeña – umabot na sa 3,000 barangay sa buong bansa ang nalinis na sa iligal na droga kung saan nasa 1.3 million na ang drugs users at pushers ang sumuko.


Sa loob ng isang taon, sinabi ng opisyal na siyam na laboratoryo na ang nabuwag kabilang ang 2 mega laboratories.

Nabatid na sa apat na milyong gumagamit ng shabu, aabot sa 120 billion ang industriya nito sa bansa.

Facebook Comments