Mahigit 24,000 mga residente ng Pasig, nabakunahan na

Inihayag ng Pasig City Government na umaabot na sa mahigit 24,000 na ang nabakunahan kabilang ang mahigit 6,000 mga senior citizen sa lungsod.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na pinag-aaralan na ang datos ng National Capital Region (NCR) vaccination dahil minsan umano pakiramdam natin ay may mas mabilis o kaya ay mas mabagal ang pamamaraan ng pagbabakuna pero ang totoo umano ay magkakalapit lang ang porsyento ng nabakunahan na sa 17 Local Government Units (LGUs) ng NCR.

Paliwanag ni Sotto, nakabase kasi sa populasyon ang binababa ng Department of Health (DOH) kung saan wala pa umanong LGU order na dumarating.


Nagpapasalamat din ang alkalde sa pagiging pasensyoso ng kanyang mga kababayan kung saan mayroon silang ipakilala na bagong sistema na ma-upgrades ang Pasig Health Monitor upang madaling makumpirma ang nangyayari sa Pasig.

Dagdag pa ni Sotto na huwag umanong mag-alala ang kanyang mga nasasakupan dahil basta’t nakapag-update na sila ng profile ay mayroong instructions sa Pasig City Public Information Office kung paano ang kanilang gagawin at kasama na sila sa listahan.

Giit ng alkalde “first to update, first serve” para sa mga taong nasa iisang priority group, alinsunod sa DOH guidelines kung saan kabilang sa 6,318 senior citizens na Pasigueño na nabakunahan ang kanyang ina na si Connie Reyes.

Facebook Comments