Mahigit 24,000 na drug personalities, naaresto sa unang bahagi ng panunungkulan ng Marcos administration ayon sa DILG

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na mula Hulyo 1 hanggang Nobyembre 24, 2022, may 24,159 drug personalities na ang naaresto sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

May kabuuang ₱9.9 billion na ring halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa mga drug operation na isinagawa ng pulisya.

Tiniyak ng tuloy-tuloy ang isasagawang mga drug raid at operasyon ng kapulisan at iba pang drug enforcement units sa ilalim ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program para makamit ang target na demand reduction ng ilegal na droga at rehabilitasyon ng mga drug user.


Facebook Comments