Mahigit 24,000, panibagong gumaling mula sa COVID-19

42

Base sa datos na inilabas ngayon ng Department of Health (DOH) ay 24,123 ang panibagong gumaling sa COVID-19.

16,989 naman ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 kaya umaabot na ngayon sa 170,446 ang aktibong kaso at 2,283,011 naman ang kabuuang bilang ng nahawa ng virus sa bansa.


Base sa record ng DOH, 95.1% sa mga ito ay asymptomatic o mild ang kondisyon.

214 naman ang panibagong nadagdag sa mga nasawi sa COVID-19 na may kabuuang bilang ng 35,742.

Samantala, patuloy naman ang paghikayat ng DOH sa lahat na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa DOH, 33 milyon na ang naipamahaging COVID-19 vaccine sa bansa.



99.82% sa mga nabakunahan ang wala o hindi nakaranas ng side effects kaya walang dapat ipangamba ang mga nag-aalinlangan na magpabakuna.

Facebook Comments