MANILA – Tinatayang 25 milyong estudyante ang magbabalik eskwela sa mga pribado at pampublikong paaralan sa elementarya at high school ngayong araw.Kabilang na rito ang 1.5 milyong estudyante na kasama sa unang batch ng grade 11 o senior high school sa ilalim ng k to 12 program.Para sa Department of Education (DepEd) makasaysayan ang pagbubukas ng klase ngayong araw kahit marami paring kritiko ang nagdududa sa paghahanda ng gobyerno sa nasabing programa.Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, nakahanda na ang labing isang libong private at public school sa pagpasok ng unang batch ng senior high school.Hinikayat ni Luistro ang publiko na makipagtulungan sa DepEd para matiyak ang tagumpay ng bagong programa.Umaasa naman si DepEd Asec. Tonisito Umali, na magiging maayos ang pagsisimula ng pasukan.Kaugnay nito, puspusan na rin ang paghahanda ng mga Central at Regional Offices ng kagawaran at ng mga school division para sa pagbabalik klase ngayong araw.Naglagay din ang DepEd ng helpdesk hotline na 667-1188 para sa may mga katanungan kaugnay ng pagbubukas klase at mga katanungan kaugnay sa senior high school.
Mahigit 25 Milyong Estudyante Sa Bansa, Balik Eskwela Ngayong Araw
Facebook Comments