Umaabot sa kabuuang ₱1.5 milyon ang tinanggap ng nasa 260 dating mga kasapi ng New People’s Army (NPA) mula sa gobyerno.
Ang nasabing financial aid ay ipinamahagi kamakailan sa punong tanggapan ng 8th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Lukban, Catbalogan Samar.
Ayon kay Lt. Col. Eduardo Meclat Jr., pinuno ng 8ID public affairs office, ang 46 benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-sa-sampung libong piso habang ang iba naman ay tumanggap ng limang libong piso.
Kasunod nito, patuloy ang panghihikayat ng militar sa mga rebelde na sumuko at magbalik-loob na sa pamahalaan lalo na ngayong magpa-Pasko upang makasama na nila ang kani-kanilang pamilya.
Facebook Comments