Muling isinagawa ng DOH-DTRC Dagupan City ang Padyak Kontra Droga bilang bahagi ng paggunita sa National Drug Abuse Prevention and Control Week nitong Sabado, Nobyembre 22.
Isa sa mahigit 250 siklistang nakiisa sa aktibidad si Jaren, na kabilang sa mga kabataang sumusuporta sa kampanya laban sa ilegal na droga sa lungsod.
Matapos ang maikling programa, tinahak ng mga kalahok ang ruta mula CSI Stadia parking grounds patungong DOH-DTRC sa Bonuan, kung saan isinagawa ang Pledge of Commitment.
Ayon sa Department of Health (DOH) – Drug Treatment and Rehabilitation Center (DTRC) Dagupan sa panayam ng IFM News Dagupan, layunin ng motorcade na itaas ang kamalayan ng publiko sa panganib ng paggamit ng ilegal na droga.
Binigyang-diin din ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kahalagahan ng pagpapatupad ng programa, lalo na sa lungsod.
Katuwang ng DOH-DTRC Dagupan ang mga ahensya ng DDB, PNP, PDEA, BJMP, DepEd, at LGU sa pagsasagawa ng Padyak Kontra Droga, habang karamihan naman sa mga sumali ay mula sa independent cycling at rider groups.









