Pumalo sa 25,500 na mga instructional learning materials ang ipinamahagi ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi para sa mga mag-aaral ng Early Childhood Education Division sa Laguerta Bulilit Center, Brgy. Tunasan, Muntinlupa City.
Ayon sa Local Government Unit (LGU), kabilang sa mga instructional material na ipinamahagi ay ang 8,500 worksheets para sa infants and toddlers, pre-kindergarten 1 and pre-kindergarten 2, 8,500 activity sheets para sa pre-kindergarten 1 and 2, at 8,500 Early Childhood Care and Development Checklist (Record 1 and 2) para sa pre-kindergarten 1 at 2.
Bukod sa naturang mga instructional material, ipinamahagi rin ang 24 laptops para sa child development workers upang makatulong sa kanila na gabayan ang mga bulilit sa pag-aadapt sa tinatawag na distance learning modality.
Tinitiyak ni Mayor Fresnedi na magkakaroon ng isang kalidad na pag-aaral ang mga at sinisuguro ang probisyon ng quality Early Childhood Care and Development program dulot ng malaking hamon ng nararanasang pandemya.