Natanggap na ng mahigit 250,000 manggagawa sa tourism sector ang ayuda sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay DOLE Employment and General Administration Cluster Assistant Secretary Dominique Tutay, ang mga ito ay nakinabang sa pondo ng CAMP na nagkakahalaga ng P1.26 bilyon.
Aniya, mayroon pang tinatayang P1 bilyong na pondo para sa turismo at kanila itong ilalaan sa mahigit 200,000 pang manggagawa sa nabanggit na sektor.
Sa ilalim ng CAMP, makakatanggap ng one-time cash assistance ang bawat benepisyaryo na nagkakahalaga ng P5,000.
Facebook Comments