Mahigit 26K na mga pasahero, naitala sa PITX ngayong umaga

Tuloy-tuloy ang dagsa ng mga pasaherong hahabol sa pag-uwi sa mga probinsiya ngayong Undas 2024.

Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), mahigit 26,252 na agad ang mga naitalang pasahero hanggang nitong alas-8 ng umaga.

Hanggang sa mga oras na ito, sinabi ni PITX Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa na wala pang mga fully booked na biyahe.


Ito ay kahit na ngayong araw ang inaasahang buhos ng mga pasaherong pauwi sa mga lalawigan gaya ng mga nakalipas na taon.

Ayon kay Calbasa, marami pang mga bumibiyaheng sasakyan na naka-antabay kabilang na sa mga pauwi ng Bicol.

Wala pa ring naitatalang kanseladong biyahe na dulot naman ng masamang panahon na dala ng Bagyong Leon.

Mula kahapon, balik biyahe na rin ang mga bus patungong Bicol Region, Visayas at Mindanao.

Facebook Comments