Mahigit 27,000 bagong COVID-19 recoveries, naitala sa bansa ngayong araw

53

27,121 ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

16,907 naman ang bagong kaso habang walang naitalang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 2,470,235 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso ay 165,110 habang ang total recoveries na ay 2,267,720.

Ang kabuuang binawian ng buhay naman ay 37,405.

Facebook Comments