Mahigit 27,000 indibidwal, apektado ng pananalasa ng Bagyong Neneng

Lumobo pa sa 160 barangay sa Regions 1, 2 at CAR ang naapektuhan ng Bagyong Neneng.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga 7,519 pamilya o 27,914 mga indibidwal ang naapektuhan ng bagyo mula sa mga nabanggit na rehiyon.

Sa Region 1, 71 brgy. ang apektado kung saan 1,595 na pamilya ang naapektuhan habang sa Region 2 75 brgy. at higit 5,000 pamilya ang naapektuhan at sa CAR, 14 na brgy. kung saan 647 pamilya ang apektado ng Bagyong Neneng.


Base pa sa datos ng NDRRMC, 32 mga evacuation centers ang pansamantalang tinutuluyan ng 199 na pamilya o 721 katao habang ang nasa 86 na pamilya ang pinili na lamang makituloy pansamantala sa kanilang mga kamag-anak.

Samantala, 1,192 pamilya o katumbas ng 3,769 indibidwal ang isinailalim sa preemptive evacuation mula pa rin sa Regions 1 at 2.

Facebook Comments