Mahigit 3.4 million halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa buy bust operation sa mall sa Bicutan

Arestado ang tatlong suspect sa drug buy bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR) sa isang mall sa Bicutan, Taguig.

Partikular na isinagawa ang operasyon sa parking basement ng mall kung saan sakay ang mga suspect ng kulay itim na kotse.

Nakumpiska mula sa mga suspect ang tinatayang 500 grams na hinihinalang shabu ng may street value na mahigit ₱3.4 million.


Mahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments