Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga naapektuhan nang nagdaang Bagyong Egay at habagat.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sumampa na ngayon sa 806,812 na pamilya o katumbas ng higit 2 milyong indibidwal ang apektado.
Mula ang mga ito sa 4,831 na brgys. mula sa Regions 1, 2, 3, 5, 6,, 8, 10, 11, 12, CALABARZON, MIMAROPA, BARMM, CAR at NCR.
Nasa 13,000 mahigit na pamilya o 52,000 mga indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 648 na evacuation centers habang ang nasa mahigit 233,000 katao ay mas piniling manatili sa kani-kanilang tahanan o makituloy pansamantala sa kanilang mga kamag-anak.
Samantala, nananatili sa 29 na mga indibidwal ang iniwang patay ng bagyo kung saan mayroon ding napaulat na 165 nasaktan at 11 nawawala.