Mahigit 3 milyong doses ng bakuna ng Moderna na donasyon ng US sa Pilipinas, dumating na sa bansa

Courtesy: Chargé d’Affaires John Law (Twitter)

Dumating na sa Pilipinas ang donasyon ng Estados Unidos na 3,000,060 doses ng Moderna COVID-19 vaccine.

Pasado ala-4 ng hapon kahapon, dumating sa Villamor Air Base sa Pasay City ang mga bakuna.

Ito na ang ikalawang shipment ng mga bakuna mula sa Amerika sa taong 2021.


Pinangunahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong sa mga bakuna kasama ang ilang opisyal mula sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), at Embassy of the United States of America to the Philippines.

Matatandaang nitong buwan ng Hulyo, nakatanggap din ang Pilipinas ng mahigit tatlong milyong doses ng Johnson & Johnson COVID-19 vaccines mula rin sa U.S. government.

Facebook Comments