Mahigit 3 milyong Pilipino, nabakunahan na kontra COVID-19!

27

Umabot na sa 3,001,875 na mga Pilipino ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Sa taped public briefing kagabi na ini-ere kaninang umaga, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na nasa 2,282,273 na bahagi ng A1 hanggang A4 priority groups ang nabakunahan hanggang noong Linggo, May 16.


Habang nasa 719,602 Pilipino mula sa kaparehong vaccination groups ang nakakumpleto na sa dalawang dose ng COVID-19 vaccines.

Ipinagmalaki rin ni Galvez na nagawa ng gobyerno na mabakunahan ang isang milyong Pilipino sa loob lamang ng 17 araw ngayong Mayo.

Sa ngayon, nasa 7,149,020 bakuna na ang nai-deploy sa 3,784 na vaccination sites sa buong bansa.

Facebook Comments