Mahigit 3 toneladang basura, nakolekta sa Bagbag Cemetery

Quezon City – Trak-trak ng basura ang nahakot ng Quezon City Cemetery Administration mula s Bagbag Cemetery, ang pinakamalaking public cemetery sa Quezon City na iniwan ng mga bumisita sa puntod ng kanilang mahal sa buhay.

Ayon kay Gene Biglang Awa, special operations officer ng Quezon City Cemetery Administration. mula Oktubre 31 bago ang Undas hanggang Nobyembre 1 ay umabot sa 8 truckloads ng basura na may katumbas na mahigit tatlong tonelada ang kanilang nakolekta mula sa Bagbag Cemetery.

Ito ay mababa kumpara noong November 2 ng nakaraang taon na pitong truck ang nakolekta nilang basura.


Kokolektahin naman ng Tzu Chi foundation ang mga maaring iresiklo na basura para gawing kapakipakinabang na bagay.

Facebook Comments