Manila, Philippines – Umabot na sa 37 ang patay matapos ang pamamaril at panununog ng isang suspek sa loob ng Resorts World Manila.
Ito ang kinumpirma ni NCRPO Regional Dir. Oscar Albayalde – kasunod ng pagkakakuha sa 36 na bangkay sa ikalawa at ikatlong palapag ng gusali.
Ayon kay Albayalde – batay sa assessment ng Bureau of Jail Management and Penology, pawang suffocation ang ikinamatay ng mga biktima.
Anya – recovery nalang ang ginagawa ngayon ng BJMP, Bureau of Fire and Protection at rescue teams sa lugar.
Sa ngayon – umakyat na sa 54 ang dinala sa ospital at labing walo sa mga ito ay na-confine.
DZXL558
Facebook Comments